Kadalasang nararanasan ng mga babae ang morning sickness
kapag sila ay nabubuntis. Ito ay nararanasan tuwing unang trimester o ang
tatlong buwan ng kanilang paglilihi.
Ang pagkakaroon morning sickness ay kadalasang
pinaniniwalaang signos na ang babae ay buntis na at kadalasang tumatagal
hanggang 14-16 na linggo ayon sa mga eksperto.
May mga kaso rin ng pagpapatuloy ng morning sickness sa loob
ng siyam na buwang pagdadalang tao. Maraming nanay ang nag-aalala na may
masamang dulot ito sa kanilang dinadala. Karamihan kasi ay may paniniwala na
kapag nakakaranas nito ay nababawasan ang nakukuhang nutrisyon ng sanggol sa
tiyan.
Credit Image: https://www.drkirstenconnan.com/blog/morning-or-all-day-sickness-pregnancy-nausea-and-vomiting
May mga kaakibat na sintomas ito tulad ng pagsusuka,
pagkahilo, pagkahingal, sobrang pagkapagod, laging inaantok at pakiramdam na
may sakit. Bukod sa tawag dito, ito ay umaatake hindi lamang sa umaga dahil
kahit anong oras ay maaari itong tumama.
Ayon sa pag-aaral ng mga researchers sa Hospital for Sick
Children sa Toronto, Canada, ang morning sickness ng isang ina umano ay
nagdudulot ng mataas na intellectual quotient (IQ) sa batang sinapupunan nito.
"Research has shown that women who suffer morning
sickness during pregnancy may be more likely to have a child with a high IQ.
This knowledge could potentially make it slightly more bearable when you’re
leaning over the toilet bowl," ayon sa blog ni Hana Ames.
Ayon pa umano sa mga researchers ng Canada, karamihan sa mga
buntis na kanilang naobserbahan na may morning sickness ay may kakayahang
labanan ang mataas na lebel ng hormones na nilalabas ng kanilang katawan.
Ang pagkakaroon rin umano ng morning sickness ay nagpapababa
ng tiyansang magkaroon ng miscarriage at mga komplikasyon sa pagbubuntis.
"As horrible as it can be, morning sickness is really a
good sign for pregnancy. It means that hormone levels are high enough to
sustain the pregnancy," dagdag pa nito.
Pinakita din ng mga researchers ang kanilang ginawang
pag-aaral sa pamamagitan ng pag-obserba ng siyamnapu't dalawang (92) Canadian
na buntis kung saan may dalawampu't siyam (29) ang hindi nakaranas ng morning
sickness.
Nagkaroon sila ng long-term neurodevelopment (the
development of things like intelligence, behavior, memory, and attention) sa
mga batang ipinanganak at lumabas na ang karamihan sa mga anak ng mga nanay na
nakaranas ng morning sickness ang nanguna sa kanilang mga tests.
"Researchers claim that pregnancy sickness has an
enhancing effect on later child outcome."
"Children who had their mothers suffered morning
sickness during pregnancy resulted higher IQs. They scored higher on memory and
language skill tests. That’s not to say that if you don’t have morning sickness
your child will be less intelligent. All of the children in the study scored
within the normal range of IQs," ayon sa pag-aaral.
Ngunit nilinaw rin ng mga researchers na dumedepende pa rin
ito sa lala ng morning sickness.
Ang Hyperemesis Gravidarum ay isang uri ng malalang morning
sickness na delikado na para sa buhay ng ina at sanggol. Ang sintomas nito ay
walang patid na pagsusuka na hindi na nadadala sa gamot. Nagdudulot rin ito ng
malalang kondisyon sa ina tulad ng muscle weakness, severe fatigue, at
dehydration.
"The frequency is greater than the typical morning
sickness. It can be dangerous because the unrelenting vomiting can cause both
the mother and baby to lack the necessary nutrients they need to survive."
Nagpaalala naman ang mga researchers na maigi pa ring
kumunsulta sa doktor kapag nakakaranas ng mga sintomas na nabanggit upang
maagapan ito.
Hanggang ngayon, ang root cause ng morning sickness ay hindi
pa rin umano nabibigyan ng paliwanag ng mga doktor ngunit ayon sa kanilang
obserbasyon ay may kinalaman ito sa hormonal level ng katawan ng nagdadalang
tao. Ang mga hormones ding ito ang pumuprotekta sa katawan laban sa mga
komplikasyon ng pagbubuntis base sa kanilang teorya. Ngunit, wala pa talaga
umanong lunas para rito.
(Courtesy: Hana Ames blog)
Soon in my time..sharooottts
ReplyDeleteNaku palagi ko nararamdaman ito sa umaga๐Kaya lang napa isip ako sabi ko ay di nga pala nakaka buntis ang ingrown๐๐๐๐๐
ReplyDeleteNaku palagi ko nararamdaman ito sa umaga๐Kaya lang napa isip ako sabi ko ay di nga pala nakaka buntis ang ingrown๐๐๐๐๐
ReplyDeleteSalamat s kaalam po sir
ReplyDelete