Malunggay, the wonder gulay

Share:

Nagiging in-demand na sa merkado ang malunggay dahil sa magandang benepisyong idinudulot nito sa katawan. Kilala na rin ito sa mga tawag na 'the wonder gulay', 'super gulay', 'superfood' at marami pa dahil iba't iba ang nagagawa nito sa mga sakit na umaatake sa sistema ng tao.

Ang malunggay ay may maliliit na dahon at  mabilis mamunga sa bansang tulad ng Pilipinas dahil sa tropical season na mayroon dito.


Credit Image: https://businessmirror.com.ph/2018/03/07/house-wants-to-develop-malunggay-industry/

Ito ay kilalang Moringa, ben-oil tree, clarifier tree o drumstick tree sa Amerika at mga bansa sa Kanluran, La Mu sa China, Shevaga sa Marathi at Sajina naman sa India. Tinuturing na miracle tree ito dahil  sa dami na nga ng nagagamot nito bilang sangkap s mga herbal medicine, at naitutulong nito sa kalusugan ng mga bata at mga kababaihan, kapag isinahog sa ulam.

Nang magsimulang malaman ng mga nutritionist, doktor at mga paaralan ang mga benepisyo ng malunggay ay itinuring na itong “superfood” ngayon.

Ayon sa batikang doktor na si Doc Willie T. Ong, ang dahon ng malunggay ay punong-puno ng calcium at iron.

Ang calcium ay nagpapatigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Mainam din ito sa mga anemic o kulang sa dugo, sagana ang malunggay sa iron na nagpapadami ng ating dugo.

Rekumendado din na kainin o higupin ang sabaw nito ng mga nanay na nagpapasuso ng kanilang sanggol, para mas maging hitik sa bitamina ang gatas ng ina dahil sa calcium na taglay nito na nabawas sa nanay nang siyang nagbubuntis.

Mataas ito sa protina, potassium, vitamin A at vitamin C. Ang mga bitaminang ito ay tinatawag na anti-oxidants na lumalaban sa stress at nagpapabagal sa pag-edad ng katawan.

Ito ay maaaring maging source of energy ng mga bata dahil nakakapagpalakas din ito ng kanilang katawan. Mayron itong taglay na protein na doble pa sa gatas, potassium na higit pa sa makukuha sa saging, Vitamin A na higit pa kaysa sa carrots, at Vitamin C na pitong beses pang higit kaysa sa oranges. Dahil sa pagiging aktibo ng mga bata, nakakatulong itong magpatibay ng immune system at labanan ang mga common bacteria.

Mayron itong medicinal properties na mabisang nakakagamot sa sakit ng ulo, migraine, at kahit ano pang sakit ng katawan. Napatunayan na rin ang malaking tulong ng malunggay sa pagpapa-normal ng blood sugar, kaya’t nakakatulong sa diabetes. Nilalabanan din nito ang intestinal worms o bulate sa mga bata, lagnat, at hika.

Mabisang pampagana at pantunaw ang malunggay, dahil na rin sa taglay nitong fiber, kaya’t makakatulong sa pagbigat ng timbang at paglaki o pagtangkad. Sa mga bata, habang sila'y lumalaki, mabilis at aktibo ang kanilang metabolism. Pero kapag nagkasakit, nawawalan ng gana at humihina ang metabolism, kaya’t nakakatulong ang pagkain ng malunggay para mamulaklak muli ang kanilang malusog na metabolism.

Mayaman din ito sa fiber at amino acid kaya’t napapatibay ang cell development ng isang bata, habang nakakatulong din sa anumang digestive problem tulad ng hyperacidity at ulcer.

Kung gusto namang mabawasan ang timbang lalo na pagkapanganak, malunggay  din ang dapat isahog sa kinakain dahil sa hitik ito sa fiber. Ang mabilis na metabolism kasi ay makakatulong sa pagtunaw ng mga hindi kailangang fats o taba sa katawan.

Alaga rin ng malunggay ang kalusugan ng atay at kidney dahil mayroon itong detoxifying potential kaya't sa mga mahilig kumain ng mga pagkain maalat at mga junk food, malunggay ang tumutulong para ma-detoxify ang mga nakakasamang ito.

Kilala rin ang dahon ng malunggay sa taglay nitong anti-inflammatory properties, lalo na sa powder form. Mabisang panlaban o panggamot sa ubo at sipon, at pati hindi masyadong malalang impeksiyon sa sistema. Pati na rin ang pagpapahupa ng sakit at maga ng mga joints at tendons.

Mayaman ang malunggay sa Vitamin A, kaya’t siguradong makakatulong ito sa kalusugan ng mga mata lalo na sa mga mahilig manood o gumamit ng gadgets. Ang ginagawa ng iba ay pinapakuluan ang dahon at iniinom na parang tsaa.

May mga nagtatapal din ng pinakuluang dahon nito, sa mga sugat, pasa, rashes at iba pang skin irritation dahil epektibo din itong gamot lalo na kapag ito ay naka-powder form. Mayaman kasi sa vitamin A, C at E ang malunggay kaya’t nakakatulong ito sa kalusugan ng ating balat. Ito kasi ay may anti-bacterial at anti-fungal properties.

Mapapansin din ang kagandahan ng kutis kapag madalas kumakain nito. Ginagawa itong paste para ipahid sa balat. Dikdikin lang hanggang maging paste o cream, at ihilamos sa mukha o ipahid sa katawan, lalo sa mga tuhod at siko.

Ayon sa mga eksperto, malaki ang natutulong ng pagkain ng malunggay para maibsan ang mood swings at anxiety ng isang tao.

Mayaman din ito sa mga bitamina at amino acids na nakakatulong sa pagkakaron ng keratin protein, na isang pangunahing bahagi ng pagkakaron ng malusog at magandang buhok, at mabilis na paghaba at pagtubo nito. Dagdag pa dito ang mabisang panlaban nito sa pagkakaron ng balakubak, lalo sa mga bata.

Para sa mga mag-asawang nagpaplanong magkaanak, mabisa din ito sa para reproductive health.

Hitik din sa antioxidant ang gulay na ito, kaya’t kung sasabayan pa ng healthy lifestyle at regular na ehersisyo, protektado sa malalang sakit tulad ng cancer.

At dahil sa dami ng bitamina nito, ang malunggay ngayon ang pinapakain sa mga payat at malnourished na bata. Mura, madaling mamunga at masustansya ang malunggay.

(Courtesy: Doc Willie Ong)

2 comments:

  1. Basta naa qy daghan ani sa aqng tugkaran

    ReplyDelete
  2. How to Play Pai Gow Poker | BetRivers Casino - Wolverione
    Pai Gow Poker is titanium earrings an online version of a traditional table game in which sol.edu.kg players place bets apr casino in the background. Pai goyangfc.com Gow Poker uses worrione.com only the symbols from a

    ReplyDelete