PAANO MAKAIWAS AT MAKONTROL ANG DENGUE

Share:
PANO MAKAKAIWAS AT MAKONTROL ANG DENGUE?
   
1.Takpan ang mga lalagyan ng tubig -huwag hayaang nakatiwangwang ang mga lalagyan ng tubig upang hindi ito pangitlogan ng lamok. Panatilihin itong palaging nakatakip. Ang mga gulong sa paligid ay palaging linisin, lagyan ng lupa para hindi ito mapasukan ng tubig ulan at maaaring doon mangingitlog ang mga lamok. Mabuting lagyan ito ng lupa at gawin florera para sa mga halaman.

2.Kung ang inyong bahay ay may disenyong falls at fountain, lagyan ito ng maliliit na isda upang hindi pamugaran ng lamok. Kinakain ng isda ang mga itlog ng lamok nasa tubig. Kaya mas mabuting may isda ang inyong mga fountain.

3. Itapon ang mga plastic container o cups sa basurahan upang indi pamugaran ng lamok na may dalang sakit na dengue sakaling malagyan ito tubig. Huwag ikalat ang mga plastic sa bakuran para hindi ito magiging sanhi ng problema sa hinaharap. Ang mga container kapag naulanan, paborito itong dapuan ng mga lamok lalo na kung may lamang tubig ulan.

4. Panatilihing malinis at dumadaloy ng maayos ang ating mga kanal  upang hindi ito pamamahayan ng lamok. Linisin palagi ang mga kanal sa paligid ng bahay. Mabuting, hindi ito maging stagnant water na paboritong tambayan ng mga lamok.

5. Mag apply ng mga insects repellant sa balat upang hindi kagatin ng  lamok  lalo na ang mga bata. Gumamit ng OFF lotion para maitaboy ang mga lamok na dadapo sa inyong balat. 

6.Magsuot ng mga light na mga kulay ng damit -madaling makita ang lamok kapag nadikit sa light na mga damit, at kadalasan hindi rin dumadapo ang lamok sa mga makikinang na kulay.

7.Mas mainam na magkabit ng kulambo kapag kayo ay matutulog na. Kapag maraming lamok ang lugar nya, mabuting gumamit ng kulambo para hindi makagat ng lamok.
Image result for lamok na may dengue

8. Isara ang mga bintana at pinto lalo na sa hapon, kung may kakayahan  rin lang magpakabit ng mga screen sa bahay upang hindi makapasok ang lamok.

9. Maglagay ng mga insect trap sa loob at labas ng bahay.

10. Pinaka mahalaga sa lahat panatilihing malinis ang ating paligid para  tayo  ay hindi makagat ng lamok na nagdadala ng DENGUE.            

1 comment: