Eksperto, nilinaw na bawal painumin ng tubig ang sanggol na wala pang anim na buwan

Share:

Kapag naipanganak na ang isang sanggol sa sinapupunan ng ina ay hindi na ito dumedepende sa umbilical cord ng kanyang nanay dahil magsisimula na siyang maghanap ng panibagong source of growth and nutrients.

Ito ay nakukuha sa gatas ng ina, kung hindi ay sa gatas na formula.

Paliwanag ng pediatrician na si Doc Richard Mata na huwag malilito kung maari o hindi pa pwedeng painumin ng tubig ang sanggol na wala pang anim na buwan ang gulang dahil bawal pa talaga ito.

Credit Image: http://i-eyeopener.blogspot.com/2017/11/urgent-important-health-tips-warm-water.html

"Kung sinabi naming mga Doctor na pwedeng uminum ng tubig ang ibig po sabihin namin ay napakakonte lang at pwedeng ring wala," aniya ni Dok.

Ang mga batang wala pang anim na buwan ay mayroong tinatawag na virgin gut kung saan pagkapanganak ay bukas at immature ang gut nila. May mga spaces sa pagitan ng cells ng small intestine. Dahil sa spaces na ito, madaling makapasok ang mga good and bad molecules sa bloodstream ng bata.

Kung exclusive breastfeed ang sanggol, yung breastmilk lang ang pumapasok sa gut kung saan yung antibodies at properties ng breastmilk ang magbibigay ng nutrisyong kailangan ng maliit niyang katawan.

May mga kaakibat na epekto ang maling pangangalaga at pagsira sa virgin gut ng isang bata.

Ayon sa World Health Organization at Department of Health, ang pagpapainom sa batang wala pang anim na buwan ay napakadelikado na nagiging dahilan ng water intoxication o pagkalason.

Ang water intoxication ay isang kondisyon kung saan ang sodium levels sa dugo ay bumababa dahil hindi pa kayang balansehin ng katawan lalo na ng isang bata ang tubig.

Ang mga sintomas at epekto nito ay pagsusuka, pagiging iritable, pagkahilo, sobrang ihi (6-8 basang diapers), pamamawis, hypothermia o pagbaba ng temperatura ng katawan

Dagdag pa rito ay may malalang epekto rin ito tulad ng pileptic seizures at kung hindi maaagapan ay maaaring mauwi sa pagkamatay.

Sabi pa ni Doc Richard, maliit lang ang katawan ng isang baby kaya ang konting plain water para sa atin ay marami na para sa kanila.

"Ang danger kasi sa plain water ay yung possibilidad na ma-under nourish o yung makukulang sa sustansya, lalo na kung makukulang sa electrolytes," sabi niya.

Ang electrolytes gaya ng sodium at potassium ay wala sa tubig kaya kapag napadami ang tubig pwedeng biglang magkaroon ng sudden deficit nito sa baby at pwedeng biglang peligro sa baby kahit siya pa'y malusog tingnan.

Dagdag pa ni Doc Richard, hindi madedehydrate ang baby kahit hindi sya umiinom ng plain water.

Ang breastmilk ng isang ina ay naglalaman ng 88% na tubig kung kaya't hindi na kailangan ng karagdagang tubig ng bata. Sa panahon ng tag- init, ang gatas ay nagbabago at naga-adjust ayon sa panahon at pangangailangan ng sanggol kung saan mas nagiging malabnaw ang gatas upang maiwasan ang dehydration.

May mga ilan-ilan ring namimilosopo na nagsasabing "kung bawal ang tubig, anong ihahalo sa powdered milk, coke?"

Ang sanggol na 0 to 6 months old ay hindi maari sa plain water ngunit kung gagamitin ang water pang mix sa powdered milk ay pwede.

Ang formula ay gatas na alternatibo sa breastmilk at ang bawat scoop nito ay may katumbas na tamang sukat ng tubig na magpupunan sa nutrisyong kailangan ng isang sanggol. Hindi rin ipinapayo ng mga doktor na dagdagan ang tubig sa formula ng bata dahil magdudulot din iyon ng maraming epekto.

"The American Academy of Pediatrics, the World Health Organization, and numerous other credible organizations strongly recommend only breastmilk for at least the first six months. The World Health Organization specifically mentions "Not even water" may be given to infants. Formula is only an acceptable alternative to breastmilk when breastfeeding is actually impossible."

Nagpaalala rin si Doc Richard na ang sapat na nutrisyon ng bata ay nakukuha sa gatas ng ina.

BREASTMILK IS BEST FOR BABIES hanggang dalawang taong gulang.

(Courtesy: Doc Richard Mata)

1 comment: