Okay, let’s face the truth, ang mga millenials ay ang mga high-tech and advance na generation. Tawag ng ilan sa kanila, mga taong gadgets. Mga taong hindi yata mabubuhay ng walang gadgets or internet. Kung baga sa isang adik na sa sigarilyo, kapag hindi nakapagsigarilyo, nakakarandam ng hindi pagka-kumportable.
Ano ba ang pinakamasakit na pangyayari ng mga millenials sa isang araw? Yung malowbat. End of the world na this. Tantrums na feeling sad ang peg. Pero thank God sa battery bank diba, life saver. Well, since naopen ko na kung gaano kaadik ang mga millenials sa gadgets, computers at internet, let’s expose the sickness na nakukuha ng mga millenials.
Unahin na natin ang pinaka-adiksyon ngayon is yung messenger or facebook. Chat ng chat, antok na nga chat parin, scroll pa sa facebook hanggang sa dulo ng walang hanggan. Yan tuloy nawala yung antok niya. Repetitive yan, lagi nangyayari ang pagchat at facebook ng late, na minsan umaabot na ng madaling araw.
Anong maeexpect mong sakit dito? Insomia. Tama, yung hindi ka na makatulog ng maaga? Nakakatulog ka na mga mid night na? Hirap na para sayo maantok? Gising na gising yung mind mo? Tapos ang pangit pa, sunud-sunod na itong nangyayari sayo, ang resulta magkaka-eyebag ka pa? And yung lagi ka nakaharap sa phone, may radiation yun, nakakairriate ng eyes yun, yun din dahilan bakit naalis antok mo pag gabi, lalo na yung nakapatay yung ilaw tapos nagpho-phone ka? Mas nakakairritate yun ng mata o anumang pagkasira sa mata.
Isa pa, naku relate maraming music lover dito. Pag nagearphones ba kayo sobra todo? Nakakadamage ng eardrums yun na later on magcacause ng pagkabingi. Kaya please wag masyado todo ingatan niyo mga yan for longer use. Oh, yung mga matagal mag games sa computer shop, halos ayaw na umuwi yan o tumayo.
Ano nangyayari, nalilipasan sila ng gutom. Ang resulta nagkakasakit sila sa bituka katulad ng ulcer. Mayroon akong napuntahang lamay noon, namatay siya dahil sa colon cancer. Ang kwento ng mga magulang niya, adik daw siya sa computer games at napapabayaan na niya pagkain niya.
Seryoso nakakawalang gana pala ang mag computer games or gadget. Hindi lang sa bituka, pero syempre pag nasa kalagitnaan ka ng laro kahit napapaihi kana di ka makatayo. Ano aabutin niyan pagkalaunan? Sakit sa pantog? O pag-ihi? Naku, nga pala mga bata ngayon mabilis matuto sa mga gadgets or computers. Hay, ayun, di man lang nakikipaglaro sa ibang mga bata.
Nasan na social life niya? Eh yung pagpawisan siya kung makikipaglaro sana siya? Healthy ang pagpawisan. Healthy din sa psycologically ang may kausap. At naku, usapang pangkalahatan hindi lang sa mga bata, marami ang mga nagiging anti-social.
Mas gusto kaharap phone, gadgets, computer kesa kausapin yung katabi, yung bisita, yung nanay at tatay. Nakakalungkot diba. Marami ding nagiging tama. Oh, utos ni Nanay,“Bumili ka sandali ng toyo!”, “Oo Nay.” Naglalaro sa gadget o net. Ilang beses ka bang tatawagin ng Nanay mo bago ka sumunod? “Mamaya”, “Sandali lang,” “Last na to.” So anong point ko, ang sakit nila? “Tamaditis.”
Dahil yan sa uunahin nila ang pulso ng pagkalibang sa gadget kaysa sumunod o kaysa may gawin. Naku, buong maghapon yata di kana naligo, di ka man lang nakatulong sa magulang mo, assignment mo nagawa mo na? And so on. Yun nagiging unproductive tayo. How about mga violence na nilalaro ng mga boys sa computer?
Anong epekto nito? Sa loob ng computer shop, murahan dito, murahan doon. Ewan, di lang magandang tignan. Baka nga, dati di ka marunong magmura, noong napasali ka sa mga nagcocomputer games natuto ka narin magmura. Parang gera lang eh. Baka maging war-freak mga napapasabak sa ganoon.
How about bullying, identity teft, at marami pang nakasisira o nagpapanegatibo sa emotional at psycological ng tao. Yung mga murang isipan palang expose na sa mga x-rated na palabas sa sites. Minsan nga, bigla nalang lilitaw yun na wala kang kamalay-malay. Kawawa naman mga bata palang, agad basag na kainosentehan nila.
Ang matindi dito, dito na nag-iistart ang curiosity nila na masubukan ang napapanuod nila. Yun tuloy nagiging prospect rapist ang nakararami dahil lang sa nakapanuod ito sa internet. Mamulat nawa tayo. Maging responsible tayo sa pagggamit ng teknolohiya, magpaalala din tayo sa iba at wag maging alipin nito.
No comments