IWASAN MALOLONG SA BISYO

Share:
Isa nakaka-antig pusong pakikiusap ng isang netizen para sa lahat na malakas uminom at maraming bisyo nga ngayon ini-enjoy pa ng ating kabataan. Tinamaan din ako nito dahil dati akong nalolong sa maraming bisyo. Naging addict ako noon sa ALAK at SIGARILYO kaya alam ko kung ano ang nararamdaman sa mga taong tinamaan na ng sakit pagkatapos nilang abusuhin ang kanilang mga katawan.

Habang wala kapa sa edad na 30 years old pataas, maaari mong ma-enjoy ang mga bisyo mo. Kung ang sasakyan, pumapalya kapag na overuse or inabuso natin ang pagamit, paano pa kaya ang mga katawan natin. Walang pagsisi sa unahan, palagi talaga itong nasa hulihan. Kaya dapat isipin ito ng mga kabataan ngayon na wala pang iniindang karamdaman. Basahin natin ang mensahe ng isang netizen pagdating sa kalusugan.

Walwal is life but health is lifer! 😐 ayooooon na nga.. Sad to say, I have a fatty liver, ako yung tipong tao na kala mo mauubusan ng alak eh, halos araw araw dati shot dito, shot dun, gimik dito, gimik dun, hanggang hindi gumagapang sige lang, walwal is life eh, haist... Di ko naisip baka mapagod at sumuko din ang atay ko 😢 Naniningil na sila  😢 To my liver im really sorry, inabuso kita masyado, i promised to take care of you na from this day forward, sa mga friends ko jan na walwal is life, maybe its time to think now, alalay lang mga kuys! 😢 wag na naten abusuhin masyado katawan naten. Yes, masaya kapag kasama mga friends while drinking pero we should think of our health as well. 🖒 Magsilbing eye opener sana to sa nakakarami! Sabi nga ng mama ko, mahirap magkasakit 😢

So ayoooon, kapag may shot, juice juice na lang tayo, magkukunwaring lasing na lang ako. 😢



Credit to the owner:

ALAGAAN ANG ATING KATAWAN HABANG ITONG HINDI PA NASISIRA. HUWAG HAYAANG MASISIRA SAKA NYO AALAGAAN. PREVENTION IS CHEAPER THAN CURE.

TAMA! MASAYA PAG KASAMA ANG KAIBIGAN HABANG NAG-IINOMAN PERO DAPAT DIN NATING ISIPIN PARA SAAN ANG KAIBIGAN KUNG SIRA NAMAN ANG ATING KALUSUGAN. PWEDE NAMAN NATING PAGSAMAHIN ANG SAYA KASAMA NG MGA KABIGAN AT ALAGAAN ANG KALUSUGAN. MARAMING PARAAN PARA SUMAYA ANG MAGBARKADA HINDI LANG SA PAGLALASING.

No comments